Not just in high school.. basically everywhere #taylorswift #luckyone

I’ve always thought of having my nose done when I get rich… but… I don’t know. I think make-up works for me just when I need it. I would still love to wear my natural face when I go to sleep. #environmentfriendly #naturalbeautyisin

Say something, I’m giving up on you.

The boy who cried Wolf

Have you heard of the story “The boy who cried wolf”? If not, here’s the story anyway:

A shepherd-boy, who watched a flock of sheep near a village, brought out the villagers three times by crying out, “Wolf! Wolf!” and when his neighbors came to help him, laughed at them for their pains.

The Wolf, however, did truly come at last. The Shepherd-boy, now really alarmed, shouted in an agony of terror: “Pray, do come and help me; the Wolf is killing the sheep”; but no one paid any heed to his cries, nor rendered any assistance. The Wolf, having no cause of fear, at his leisure lacerated or destroyed the whole flock.

 ________________________________________________________

One lie is bad, but three lies is worst. It can destroy everything, especially when you lie to those people you care and who care for you, which also happens to be the people who trusts you. It destroys relationship. It destroys trust. It destroys you as a person.

The more human beings grow older, the more they learn to lie. In this case, trustworthiness is something that dogs are even more capable of than human beings. But, even if we’re not dogs, we have to put in mind that trust is very important. Once it is established, it can be as hard as a glass. However, like any other glass, it is still fragile. Whether you break it all at once or piece by piece, it won’t be easy to put it all back again. You might hurt yourself a lot of times, bleed a lot, and may give up at some point. Lucky for you if you had it back again; but no matter what, it will never be the same way as before. And it’s not just the person you lied on becomes affected, it also affects your credibility; you as a person. People will be skeptical on you, disrespect you, and worst, they will never believe you anymore.

 

 

Time flies so fast. I left home you were just about the size of a bonsai tree. But now, you’re even bigger than Hulk. Haha just kidding. It sucks that I haven’t been there to see you blow your candles for the last 5 years. Imagine? That’s half of your life! No wonder everytime I go home, you get weirder and weirder; the coolest girl ever (yep, it’s me) isn’t there to guide you. Haha. Well, happy birthday, brother. I love you.

My cat is so photogenic. Gosh, I miss him like a child misses his blanket. #nostalgic #homesick #cat #pet #kittylover

So the last time wrote an article in Filipino is about a year ago.

Wikang Filipino?

 

Sabi ng isa kong kaklase kahapon habang nag-uulat sa harap: “magtatagalog tayo ngayon ‘pagkat ngayo’y buwan ng Agosto at ipinagdidiwang natin ang Buwan ng Wika.” Natawa ang buong klase. Mas natawa pa kami ‘nung sinubukan niyang ipaliwanag ang kanyang ulat tungkol sa agham at teknolohiya. Ngunit sa huli, hindi siya nagtagumpay.

Sadyang nasanay na ang ating mga dila na gamitin ang banyagang salitang may katumbas naman na salita sa Filipino. Habang ginagawa ko nga ang takdang aralin na ito, kasama ko ang google translate kung sakaling nalimutan ko ang Filipinong katumbas ng isang salitang alam na alam ko sa Ingles.

Unti-unti na bang namamatay ang wikang Filipino? Bakit ang mismong mga tao na dapat gumamit nito hindi na ito ginagamit? Bakit tuwing may mga paligsahan na may kasamang panayam, katulad ng Beauty Pageant, Ingles ang ginagamit ng ating mga kalahok? ‘Yung ibang kalahok nagdadala naman ng tagapagsalin. Kahit ang nasabing paligsahan sa barangay, hindi lulusot diyan, kasi kahit hirap na hirap na, mag-iingles pa rin.

Anong mayroon sa Ingles at bakit puring-puritayo dito? Mas masarap ba ‘tong pakinggan? Nagmumukha ka bang de kotse kapag nagsasalita ka ng Ingles? Baliktarin natin ‘yung tanong: anong mayroon sa Filipino at bakit hiyang-hiya tayong gamitin ‘to? Kung sabagay, ano pa bang dapat ipagmalaki sa pagiging Pilipino? Sirang-sira na ‘yung pangalan natin sa ibang bansa. Subukan mo ngang magchat sa Omegle.com at sabihin mo agad na Pilipino ka, siguradong magdi-disconnect agad ka ang ka-chat mo kahit hindi niya pa alam ang pangalan mo.

Ngunit sabi ng ating pambansang kamao este bayani na si Jose Rizal, ang tao raw na hindi marunong magmahal ng sariling wika ay masahol pa sa malansang isda. Masisi mo ba kami Rizal kung kaming mga Pilipino ay nahihirapan magmahal ng sariling wika ‘pagkat kami mismong mga Pilipino ay hindi nagkakaintindihan kung ano ang ibig sabihin ng sariling wika?

Lumaki ako sa lugar kung saan Cebuano ang pang-araw-araw na salita. Para sa akin, banyaga ang wikang Tagalog. Ngunit sa labing dalawang taon kong pag-aaral, ni minsan ay hindi tinuro sa amin kung ano ang tamang paggamit ng Cebuanong salita. Sa asignaturang Filipino, Tagalog lang ang itinuturo. Minsan pa nga, inililista ang mga batang “speaking in vernacular” o pagsalita sa Cebuano,at paparusahan ang mga batang nailista.

Siguro nga isa sa mga dahilan ang pagkadami-dami ng wika dito sa Pilipinas ang pagiging malansa ng mga Pilipino. Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin kong mag Cebuano kaysa mag Tagalog, at kung may pagkakataon, ipaglalaban kong dapat Cebuano ang pambansang wika at hindi Tagalog. Cebuano pa nga sana ang gagamitin kong wika para sa takdang-aralin na ito, ngunit alam kong hindi ito maiintindihan ng aking guro kapag ginawa ko ‘yun.

Tapos magtatanong ka, bakit hindi Ingles ang ginagamit ko ngayon kung inis ako sa Tagalog? Eh wala lang. Gusto ko lang hamunin ‘yung sarili ko. Minsan lang ‘to eh.

Ipinagmamalaki ko na Cebuana ako, at ipinagmamalaki ko ang salitang Cebuano. At kahit nandito ako sa Iloilo, hindi ko ikinakahiyang magsalita ng Cebuano. Kung pwede pa ngang ipagsigawan dito na Cebuano ako, gagawin ko. Kaya minsan, nag-iingles ako sapagkat maliban sa mas nagmumukha akong tagapagmana ng isang kompanya, eto lang wikang maiintindihan ako ng kapwa ko Pilipino bukod sa Tagalog. Siguro nga isa akong malansang isda dahil mas pinili kong kabisaduhin ang Ingles kaysa sa Tagalog.

Ngunit kung buhay pa hanggang ngayon si Rizal, hindi niya ako pagagalitan. Mahal ko naman ang sarili kong wika, ang Cebuano. Matutuwa pa nga iyon sa K-12 na programa kung saan tinataguyod ang “mother tongue” o ang paggamit ng sariling wika sa pagtuturo at sasabihing maswerte ang mga kabataan ngayon. Matututo sila nang hindi kailangan ng English-Tagalog-Cebuano/Hiligaynon/Kinaray-a dictionary sa tabi nila.

Sa kabuuan, ang wikang Filipino ay hindi lamang iisang wika, kundi binubuo ito ng 87 ibat-ibang wika ng kapuluan. Matatag ang wikang Filipino kung tanggapin natin na hindi lang Tagalog ang sariling wika. Hindi porke’t mas marunong mag Ingles kaysa mag Tagalog, malansang isda na. Malay natin, mas marunong pala siya sa 86 ibang wika ng bansa. :)

atay pud nang kulatahon oi.

Shabu pa. 

Can’t wait for the 9th season of himym :)))

my three most favorite cats in the world. #nostalgic #cat

i miss my cats already. :’(

The Capitol announces the 75th annual hunger games via email.